Ito ay dumpsite ng mga komix, graphic memoirs, at anumang proyektong may kinalaman sa sining biswal. Welcome ang lahat ng komento't kritisismo.
---
This is a literary and visual dumpsite of comics, graphic memoirs, and any other visual projects. All comments and criticisms are welcome.

*Best viewed on a 1440x900px monitor.

Thursday, November 5, 2009

eto na, eto na.

o hindi pa.

bilang mas madali, magbalik-tanaw nalang muna:


Pagkukuto ng mahabang buhok
ang proseso ng pag-alala.
Sinusuklay ang buhol, sinusuyod ang lisa;
tinitiris ang kutong namahay
sa ulong ilang taong di nabasa.
Kinakamot ang anit
na binalakubak sa pagtanda.

Pero sa bawat kutong ipinuputok sa kuko,
kasamang nawawala ang nasipsip nitong dugo.

-marso 2006




at bilang wala pang bagong progreso (maliban sa masyadong napahabang papel na ang malamang na grado ay 'pakyu daldal - 3.0'), eto nalang ang halimbawa ng kung ano, ano nga ba, ang personal (nawa'y di ako tampalin sa pagpost nito) -


Photobucket

akda ni ayer arguelles ang nakasulat sa loob ng painting.

dibuho ko, ayon sa customized design order ni sara sebastian. acrylic and ink on board. nob. 2009.



ayun muna. wala pang gaanong relevance sa mundo. sa susunod, pramis :D

No comments:

Post a Comment